Thursday, May 18, 2006

ang prinsesa at araw

Gumising na may ngiti sa labi
Bumangon, masaya, maaliwalas ang mukha
Dama ang pag-ibig na buhay
Buong tuwang binati ng prinsesa ang araw


Dumating ang alas-onse ng umaga
Sumagi sa isip manibalang na alala
Dama ang kabang nabuhay muli
May takot na tiningala ng prinsesa ang araw


Sumapit ang gabi, inihiga ang katawan
Binalak basahin librong mapagpatama
Dama ang nalimutang lungkot
Lumuhang nagpaalamam ang prinsesa sa araw

No comments: